Pagdinig sa drug related killings sa pagbubukas na ng Senado tatalakayin
Sinabi ni Senator Bam Aquino na maaring sa muling pagbubukas ng sesyon sa Senado ay matatalakay na ang isasagawang imbestigasyon sa araw araw na pagpatay sa drug personalites.
Ayon kay Aquino karapatan naman ni Senator Leila De Lima na humiling ng inquiry in aid of legislation.
Giit ng senador sa ngayon ay dapat naman talaga na matutukan ang isyu o problema sa droga sa bansa.
Kahapon sinabi ni De Lima na nais niyang maimbestigahan ang mga nagaganap na pagkamatay ng drug personalities sa pangamba na bansagang killing fields ang Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.