Higít sa 60,000 na pamilya apektado ng bahâ sa Mindanao – NDRRMC

By Jan Escosio July 15, 2024 - 03:08 PM

PHOTO: Mindanao map STORY: Higít sa 60,000 na pamilya apektado ng bahâ sa Mindanao – NDRRMC
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Umakyát na sa 60,841 na pamilya – o 54,289 na mga indibidwal — ang apektado ng pagbahá sa Mindanao, ayon sa situational report na nilabás nitóng 8 a.m. ng Lunes ng  National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ang mga naapektuhan ay nasa 310 na mga barangay sa 38 na mga lungsod at 11 na mga bayan sa 11 lalawigan sa limang rehiyon.

Sa buóng bilang, nasa 4,767 na pamilya — o 17,260 na indibidwal an nailikas na sa 55 mga evacuation center.

Walâ pang naiulat na nasawî, nasaktán at nawawalâ, ayon pa sa NDRRMC.

Nabatíd ng Radyo Inquirer na may 131 lugár sa mga nabanggit na apektadong barangay ang lubóg pa sa bahá.

Nasa higit P17.8 na milyon na ang halagá ng naitataláng pinsalà sa sektor ng agrikultura.

TAGS: Mindanao flooding, Mindanao flooding

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.