Mga bata sa Baseco Compound naglaro sa breakwater ng Manila Bay

erwin baseco
Kuha ni Erwin Aguilon

Ginawang palaruan ng mga bata sa Baseco Compound, Tondo Maynila ang breakwater ng Manila Bay.

Dahil walang pasok sa mga paaralan mas minabuti ng mga bata na maligo sa ulan at lumangoy sa dagat.

Kuha ni Erwin Aguilon

Sinamantala naman ng ibang mga residente ang malalakas na alon upang manguha ng halaan upang maipang-ulam.

Tuloy naman sa normal ang pang araw araw na buhay ng ibang mga residente sa lugar.

Ayon naman sa ibang mga residente handa silang lumikas kung kakailanganin ng pagkakataon.

Read more...