Pangulong Duterte sa mga druglords: “Magpakamatay na kayo!”

By Chona Yu July 08, 2016 - 12:04 PM

duterte malakanyang photo
Malakanyang Photo

Mag-suicide nalang kayo.

Ito ang naging payo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mayor , Chinese druglord at iba pang personalidad na nagsasagawa ng operasyon ng iligal na droga sa bansa.

Ayon sa pangulo, hindi titigilan ng kanyang administrasyon ang pagsugpo sa naturang problema.

Binalaan pa ng pangulo ang mga Chinese National na sina Wu Tuan alyas Peter Co at Herbert Colangco alyas Ampang na nakakulong ngayon sa New Bilibid Prison (NBP) na huwag nang tangkain na tumakas ng kulungan dahil tiyak na mapapatay lamang ang mga ito.

Ginawa ng pangulo ang babala dahil wala nang pagsisisi ang mga ito at ayaw nang tumigil sa operasyon ng iligal na droga.

Tiniyak pa ng pangulo na hindi niya hahayaan ang mga druglord na makapagsagawa pa ng operasyon sa ilalim ng kanyang administrasyon.

TAGS: druglords, drugs, magsuicide kayo, Mayors, suterte, druglords, drugs, magsuicide kayo, Mayors, suterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.