(9AM update) Heavy rainfall warning, nakataas sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan
Nakataas pa rin ang heavy rainfall warning sa Metro Manila at sa mga kalapit na lalawigan dahil sa epekto ng Habagat na pinalakas ng bagyong Butchoy.
Batay sa abiso ng PAGASA na inilabas alas 9:00 ng umaga red (torrential) warning level pa rin ang nakataas sa mga lalawigan ng Zambales at Bataan.
Nangangahulugan itong umabot na sa mahigit 30 mm ang naibuhos na ulan sa dalawang lalawigan sa nakalipas na isang oras at tatagal pa sa susunod na dalawang oras.
Nagbabala din ang PAGASA ng serious flooding sa dalawang lalawigan.
Nakataas naman ang orange (intense) warning level sa lalawigan ng Cavite at Batangas na nangangahulugang umabot na sa 15 hanggang 30 mm ang dami ng bumuhos na ulan sa nakalipas na isang oras na inaasahang tatagal sa susunod na dalawang oras.
Sa Metro Manila, Pampanga, Bulacan, Laguna at Rizal ay nakataas naman ang yellow (heavy) warning level na nangangahulugang umabot na sa 7.5 hanggang 15 mm ang naibuhos na ulan sa nakalipas na isang oras at tatagal sa susunod na dalawang oras.
Pinaalalahanan ng PAGASA ang mga residente sa mga mabababang lugar na maging mapagbantay sa flashflood.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.