Ayon sa Iraqi Police, naganap umano ang pag-atake sa Shiite Shrine na nag-umpisa Huwebes ng gabi kung saan nauna umanong tinarget ng isa sa 3 suicide bombers ang Iraqi police na nakabantay sa entrada ng Sayyid Mohammed shrine sa Balad na may 80 kilometro hilaga ng Baghdad.
Umatake naman ang ikalawang suicide bomber at pumasok sa shrine kasama ang 9 na armadong kalalakihan at tinarget naman ang mga security at maging ang pamilya na nagdidiwang pa rin ng Eid al-Fitr.
Napatay umano ng Iraqi Police ang ikatlong suicide bomber
Sa ngayon wala pang grupo ang umaako ng responsibilidad sa pag-atake
Wala pang isang linggo nang 186 katao ang namatay sa Baghdad din matapos ang suicide bombing na inako ng ISIS.