26 patay, 52 sugatan sa suicide bombing sa Baghdad Iraq

By Ruel Perez July 08, 2016 - 08:41 AM

baghdad26 ang patay at 52 ang naitalang sugatan sa panibago na namang suicide bombing sa Baghdad, Iraq.

Ayon sa Iraqi Police, naganap umano ang pag-atake sa Shiite Shrine na nag-umpisa Huwebes ng gabi kung saan nauna umanong tinarget ng isa sa 3 suicide bombers ang Iraqi police na nakabantay sa entrada ng Sayyid Mohammed shrine sa Balad na may 80 kilometro hilaga ng Baghdad.

Umatake naman ang ikalawang suicide bomber at pumasok sa shrine kasama ang 9 na armadong kalalakihan at tinarget naman ang mga security at maging ang pamilya na nagdidiwang pa rin ng Eid al-Fitr.

Napatay umano ng Iraqi Police ang ikatlong suicide bomber
Sa ngayon wala pang grupo ang umaako ng responsibilidad sa pag-atake

Wala pang isang linggo nang 186 katao ang namatay sa Baghdad din matapos ang suicide bombing na inako ng ISIS.

 

TAGS: Baghdad bombing kills 26, Baghdad bombing kills 26

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.