Taás-sahod ng barangay officials inapilá ni Lapid sa Senado

By Jan Escosio July 09, 2024 - 02:19 PM

PHOTO: Composite image of Senate logo and building facade STORY: Taás-sahod ng barangay officials inapilá ni Lapid sa Senado
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Nakiusap si Sen. Lito Lapid sa mga kapwà senadór na aprubahán na ang panukalang batás niyáng layuning mapagpatibay ang mga sahod at benepisyo ng mga barangay official.

Itó ay ang Senate Bill No. 270 — ang panukalang An Act Standardizing the Salaries and Benefits of Barangay Officials — na inihaiin niya noon pang 2022.

Ipinahayág ito ni Lapid nung ika-3 ng Hulyo sa kanyáng talumpatì sa Good Governance Summit-2nd Provincial Liga Assembly-Liga ng mga Barangay ng Northern Samar Chapter sa Seda Hotel, Quezon City.

BASAHIN: Go idiin ang kritikal na bahagi ng mga barangay sa maayos na pamamahala

Nakabinbín hanggáng ngayón sa komité ang kanyang panukalà.

Umaasa si Lapid na sa mulíng pagbubukás ng Kongreso ay uusad at matatalakay na ang kanyáng panukalà.

“Malakí po ang maitutulong ng ating bill para mabigyán ng sapát na insentibo at sweldo ang mga barangay official na alám namán nating lahát na frontliners sa pagseserbisyo sa bayan at tagapag-patupád ng kapayapaan, kaayusan, at kaúnlaran sa bawat komunidád,” pahayág ni Lapid.

May 569 na opisyál ng mga barangay sa Northern Samar ang hinaráp ni Lapid sa naturang pagtitipon at ilán sa kanilá ay pinarangalan dahil sa maayos na pamamahalà.

TAGS: barangay officials, Lito Lapid, barangay officials, Lito Lapid

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.