Bagyong Butchoy, naglandfall na sa Taiwan

By Dona Dominguez-Cargullo July 08, 2016 - 07:37 AM

BUTCHOY 6AMHumina pa ang Bagyong Butchoy na may international name na Nepartak habang nagbabadyang manalasa sa Taiwan.

Alas 6:00 ng umaga ng Biyernes, huling namataan ang bagyo sa 240 km North Northwest ng Itbayat, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 195 kph malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 230 kph.

Kumikilos ito sa bilis na West Northwest sa bilis na 15 kph.

Samantala ayon kay Buddy Javier ng PAGASA, alas 5:00 ng umaga nang tumama sa kalupaan ng southeastern Taiwan ang Bagyo.

Sa ngayon, nakataas pa rin ang public storm warning signal number 2 sa Batanes Group of Islands at signal number 1 naman sa Babuyan Group of Islands.

Bukas ng umaga, inaasahang nasa 455 km Northwest ng Itbayat, Batanes o sa labas na ng PAR ang bagyo. Sa Linggo ng umaga ay nasa 685 km Northwest ng Itbayat, Batanes at sa LUnes ng umaga ay nasa 895 km North Northwest ng Itbayat, Batanes.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.