Ni-‘recycle’ lang ni Trillanes ang plunder complaint niyá – Go
METRO MANILA, Philippines — “Recycled.” Ito ang reaksyón ni Sen. Christopher “Bong” Go sa inihaing reklamo ng plunder o pandarambong na inihain ni dating Sen. Antonio Trillanes IV laban sa kanyá at kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Aniya sinagot na nilá ni Duterte ng paulit-ulit na katulad na reklamo.
“Sa totoo lang lumang tugtugin na ito. Taong 2018 pa ang akusasyon na iyan. Ni-recycle noong 2021 pero wala pa rin siyang napatunayan, Ngayon papasok na naman ang halalan sa 2025, nagiingay na naman siya upang mapag-usapan,” sabi ni Go patukoy kay Trillanes.
BASAHIN: Reklamong plunder laban kay Duterte, Go ihinain ni Trillanes sa DOJ
Tinawag pa niya na “attack dog” at tamad si Trillanes.
Pagdidiin niya, hindi siya kailanman nang-impluwensiya sa anumang transaksyon, kontrata o bidding sa gobyerno.
Sa kabilang banda, sinabi din ni Go na maaring maganda ang ginawa ni Trillanes para matuldukan na ang isyu at hindi na mabuhay muli.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.