Gilas kinapós sa Georgia, 96-94, pero pasók sa FIBA OQT semis

By Jan Escosio July 05, 2024 - 12:15 PM

PHOTO: Gilas Pilipinas Justin Brownlee vs Georgia STORY: Gilas kinapós sa Georgia, 96-94, pero pasók sa FIBA OQT semis
Si Justin Brownlee ng Gila Pilipinas ay nagpakita ng isá pang matindíng larô laban sa Georgia kayát nakakuha ang mga Filipino ng Fiba OQT semifinals ticket. –FIBA PHOTO

METRO MANILA, Philippines — Bago pa silá nagharáp sa 2024 FIBA Olympics Qualifying Tournament, kapwa alám ng Gilas Pilipinas at Georgia ang kaniláng misyón.

Tinalo ng Georgia ang Pilipinas, 96-94, ngunit ang Gilas ang pumasok sa semifinals kayat may posibilidád pa rin na makaabot sa papalapít na Paris Olympics.

Sa unang yugtô ng larô, umarangkada ng hustó ang Georgia at iniwan ang Gilas, 16-0.

Sa pagpasok ng ikalawáng yugtô, lumobo na sa 20 ang lamáng ng Georgia, 40-20, bago nagpakawalâ ng 11-0 bomba ang Gilas para matapyasán na lamang sa siyám na puntos ang lamáng.

Nagtapós ang unang 20 minuto ng larô sa iskor na 55-43.

Sa ikatlóng yugtô unang nakatikim ng kalamangan ang Gilas, 71-70, sa pamamagitan ng 16-3 bomba at tablá sa 74 sa pagpasok ng hulíng yugtô.

Mulíng umarangkada ang Georgia, 88-81, ngunit naibabâ itó ni CJ Peres sa 92-91 at nagpalitan na lamang ng iskor ang dalawáng koponán.

Ngayóng araw ng Biyernes malalaman kung sino sa Montenegro o Brazil ang makakaharáp ng Gilas sa semifinals bukas.

Pinangunahan ni Justin Brownlee sa kanyang 28 na puntos, 16 na puntos naman mulâ kay Dwight Ramos, 14 mulá kay CJ Perez, at 13 mulâ kay Chris Newsome.

Hindí na nakapaglarô si Kai Sotto matapos madaganán ni Goga Bitadze sa ikalawáng yugtô ng laban.

Kinailangan ng Georgia na talunin ang Pilipinas ng 19 puntos o higít pa para mawakasán ang pangarap ng mga Filipino na makatuntong sa Paris Olympics, ngunit dahil silá ay nabigô sa kabilâ ng kanilang tagumpáy, silá ang umuwíng luhaán.

TAGS: 2024 FIBA OQT, Gilas Piliipinas, 2024 FIBA OQT, Gilas Piliipinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.