Hontiveros di alalà sa pangatlóng ‘Alice Guo’ sa NBI files

By Jan Escosio July 03, 2024 - 01:00 PM

PHOTO: Risa Hontiveros and Alice Guo
Si Sen. Risa Hontiveros at Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac —File photos mulâ sa Facebook ni Hontiveros at sa Senate Public Relations and Investigation Bureau

METRO MANILA, Philippines — “Kahit sampû pa ang lumabás na ‘Alice Guo’ sa buong Pilipinas, si Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac ang katangi-tanging Chinese citizen na nagíng mayor.”

Itó sinabi ni Sen. Risa Hontiveros sa pahayág ng National Bureau of Investigation (NBI) na may ikatlong kapangalan ang mayor ang nag-apply ng clearance sa kawanihan.

Sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na ang ikatló na itó ay nag-apply sa NBI ng clearance noon pang 2005, at itó ay residente ng Quezon City.

BASAHIN: Fingerprints niná Alice Guo at Guo Hua Ping magkatulad – NBI

Dagdág pa niyá, inimbestigahán na ng NBI ang address sa clearance at nakumpirmá na waláng nakatirang may ganoóng pangalan doón.

Ang fingerprints sa NBI clearance ay sinusurì na upang maikumpará itó sa fingerprints ng suspended na Bamban mayor.

“Ang imbestigasyon ay para kay Alice Guo na hindi Filipino,” idiniín pa ni Hontiveros.

TAGS: Alice Guo, illegal POGO hub, National Bureau of Investigation, Risa Hontiveros, Alice Guo, illegal POGO hub, National Bureau of Investigation, Risa Hontiveros

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.