22 Filipino crew ng MV Transworld Navigator nasa Pilipinas na
METRO MANILA, Philippines — Nakauwî na sa Pilipinas ang 22 pang tripulanteng Filipino ng MV Transworld Navigator, ang cargo carrier na inatake ng Houthi rebels noong nakaraang linggó, ayon sa ulat itóng Miyerkules ng Department of Migrant Workers (DMW).
Una nang nakabalík ang limáng tripulante noóng nakaraang araw ng Linggó.
Ayon kay Migrant Workers Assistant Secretary Jerome Pampolina, agád na nakatanggáp silá ng mga tulong at benepisyo mulâ sa ilaáng ahensya ng gobyerno, kasama na ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Social Welfare and Development, at Department of Health (DOH).
BASAHIN: May-arì ng MV Tutor: Hahanapin ang nawawaláng Filipino seafarer
Ang MV Transworld Navigator ang pang-apat na barkó na may mga tripulanteng Filipino na inatake ng Houthi rebels sa Red Sea at Gulf of Aden.
Ang naunáng tatló ay ang MV Galaxy Leader, MV True Confidence, at MV Tutor.
Noóng nakaraáng buwán, inanunsyo ng Department of Migrant Workers ang pansamantaláng pagbabawal sa mga Filipino seafarers na sumakáy sa mga barko na dádaan sa Gulf of Aden at Red Sea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.