P35 wage hike puwede pang iapelá ng workers, traders – DOLE chief
METRO MANILA, Philippines — Maaari pang umapelá ang mga manggagawa at negosyante ukol sa P35 hike sa daily minimum wage na kakaaprubá pa lang nang National Wages and Productivity Board, ayon sa pahayág nitóng Martés ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma.
Dagdág pa niya, ang anumang apilá sa Wage Order No. NCR-25 ay maaring idulóg sa NWPC hanggang sa ika-11 ng Hulyo.
Sa kautusán, nagtakdâ ng P35 na dagdag sa daily minimum wage sa Metro Manila kayát ang pinakamababang sahod ng mga trabahadór sa sektór ng agrikultura ay magiging P608 mulâ sa kasalukuyáng P573, at P645 naman mulâ sa P610 sa mga nasa non-agriculture sector.
Magiging epektibo ang taás-sahod sa ika-17 ng Hulyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.