Mahigit 1,000 drug suspects sa Visayas, nagsi-suko na rin

By Kabie Aenlle July 08, 2016 - 12:42 AM

 

shabuDahil sa takot na sila na ang sunod na mapapabalitang napatay sa mga police operations, kusa nang sumuko ang mahigit 1,000 drug pushers at users sa Visayas partikular na sa Cebu, Bohol at Siquijot.

Batay sa records ng Police Regional Office in Central Visayas (PRO-7), kabuuang 1,110 na ang mga drug suspects na sumuko sa mga lokal na opisyal at mga pulis simula July 1 hanggang 6.

Ayon kay PRO-7 Deputy Regional Director for Operations Senior Supt. Rey Lyndon Lawas, ang mga sumukong drug suspects ay nasindak sa kabatid-batid na pinaigting na mga operasyon laban sa kanila.

Bukod sa pagsuko sa kanilang mga sarili, nagbigay rin ang mga ito ng impormasyon sa mga pulis tungkol sa iba pang mga drug suspects sa kani-kanilang mga lugar.

Isinailalim na sa profiling ang mga ito at saka pinalaya, ngunit sinabi ni Lawas na patuloy silang mamatyagan ng mga pulis upang matiyak na wala nang babalik sa kanilang bisyo.

Pinaalalahanan naman ni Lawas ang mga pulis na mas paigtingin pa ang pagpapatupad ng Oplan Tokhang lalo’t 30 himpilan ng pulis ang laging bigo sa mga operasyon kontra iligal na droga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.