METRO MANILA, Philippines — Nakapagtalâ ang Department of Health (DOH) ng 77,687 na kaso ng dengue mulâ noóng simulâ ng Enero hanggang ika-15 ng Hunyo ngayóng taon.
Sa naturang bilang, 205 ang namatáy, ayon sa DOH.
Ang kabuuáng bilang ng mga kaso ay mataás ng 15% kumpará sa naitalâ sa katulad na panahón noóng nakaraáng 2023.
BASAHIN: Paigtingín ang paglilinis sa mga dengue high-risk areas – Go
Base sa obserbasyon ng DOH, nagsimuláng tumaás ang bilang noóng Mayo at ang naitalang 4,689 na kaso noóng ika-2 hanggang ika-15 ng Hunyo ay maaaring tumaás pa dahil sa naantalang pag-uulat.
Walâ namáng pagtaás sa mga kaso mula ika-5 ng Mayo hanggá. ika-1 ng Hunyo sa Metro Manila, Calabarzon, Central Visayas, Eastern Visayas, at Caraga.
MOST READ
LATEST STORIES