EO ni Duterte para sa FOI, maipapatupad na sa susunod na linggo

By Kabie Aenlle July 08, 2016 - 04:22 AM

 

FOITiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na maipapatupad na sa susunod na linggo ang kaniyang executive order (EO) sa freedom of information (FOI) bill.

Sa kaniyang anunsyo sa isang televised press briefing sa PTV-4, sinabi ni Duterte na pinabilisan na niya ang proseso para dito at sa katunayan ay mayroon na siyang kopya ng draft.

Aniya maipapatupad na ito sa susunod na linggo pero kailangan niya muna ito muling siyasatin nang maigi.

Ngunit ayon kay Duterte, ang tanging masasakop lamang ng nasabing EO ay ang mga ahensya sa ilalim ng executive department.

Paliwanag niya, hindi niya maaring pakialaman ang dalawa pang sangay ng gobyerno – ang judiciary at Congress – dahil sa separation of powers.

Nakasalalay na aniya sa Kongreso kung maghahain at magpapatupad rin sila ng ganito.

Nakatakdang pirmahan ni Duterte ang nasabing EO ngayong araw ng Biyernes.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.