Patay sa Baghdad double bombing, 281 na

 

Umakyat na sa 281 ang bilang ng mga nasawi sa double suicide bombing sa Baghdad, Iraq.

Kinolekta na rin ng mga otoridad ang nasa 150 na DNA samples para matukoy at makilala ang mga bangkay na hindi na makilala dahil sa labis na pagka-sunog.

Mahigit 300 naman ang nasugatan sa nasabing double bombing na isinagawa ng Islamic State of Iraq and the Levant group sa mataong lugar ng Karrada district sa Baghdad.

Matatandaang noong Sabado naganap ang itinuturing na pinakamatindi at pinakamadugong suicide bombing mula noong 2003.

Ang huling naitala ng mga medical officials na bilang ng nasawi noong Martes ay nasa 250 lamang.

Read more...