Mga tauhan weirdo ang tingin kay gov’t official-Wacky Leaks ni Den Macaranas

July 08, 2016 - 04:18 AM

 

den-macaranas1Halos lahat na ata ng mga cabinet secretaries ay naka-kumpleto na ng kani-kanilang grupo mula undersecretaries hanggang sa hanay ng mga assistant secretaries.

Pero itong bida sa ating kwento ngayong araw ay hirap na bumuo ng kanyang “winning team” dahil sa kakaiba niyang pag-iisip.

Noong July 1, unang araw sa pwesto ng ating cabinet secretary ay kaagad niyang ipinatawag ang mga department heads ng kanyang tanggapan.

Siksikan sila sa opisina ng ating bida dahil sa iyun ang unang meeting nila sa pagpapalit ng administrasyon.

Pero bago pa lang sila magpakilala sa isa’t isa ay kaagad daw na humingi ng “katahimikan” si cabinet secretary.

Bigla daw siyang pumikit at nag-meditate sa harap ng kanyang mga bagong officemates at tauhan.

Habang tahimik at nakapikit ang bagong kalihim at nagngingitian lamang at nagtitinginan ang kanyang mga ipinatawag na department heads.

Weirdo daw masyado ang kanilang Boss dahil gusto rin daw niyang gawing mandatory ang yoga lesson sa kanyang mga bagong tauhan at least twice a week.

Ito daw ang magdadala sa kanila sa tagumpay lalo’t magpapatupad sila ng “change” sa ating pamahalaan.

Ngayong alam na nila ang kakaibang style of leadership ng kanilang bagong Boss ay hindi na nagtataka ang mga empleyado sa tanggapan ni cabinet secretary kung bakit wala siyang makuhang mga opisyal para samahan siya sa kanilang departamento sa gobyerno.

Bukod sa kakaiba nitong mga visions sa kagawaran ay mahilig din daw si cabinet secretary na gumawa ng eksena.

Habang dumadali sa kanilang meeting noong nakalipas na weekend ay bigla niyang tinawagan sa telepono ang kanyang kasambahay para kumustahin kung gawa na raw ba yung kanilang refrigerator.

Tinanong din niya sa kausap kung ano ang nilutong ulam kaya napapailing na lang ang mga opisyal ng kagawaran na kasama sa pulong.

Ang cabinet member na kakaiba daw ang takbo ng pag-iisip ayon na rin sa kanyang mga kasamahan sa trabaho ay si Sec. G….as in Ganado.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.