Heavy rainfall warning, nakataas pa rin sa Zambales at Bataan, posibleng pagbaha ibinabala

 

Mula sa pagasa

Nananatiling nakataas ang ‘heavy rainfall warning’ sa mga lalawigan ng Zambales at Bataan.

Sa advisory ng PAGASA, dakong alas tres ng umaga, nananatili ang ‘red warning level’ sa dalawang naturang lalawigan at malaki ang tsansa ng mga pagbaha sa mga flood prone areas.

Ito anila ay resulta ng habagat na pinaiigting ng bagyong ‘Butchoy’.

Dahil sa nararanasang pag-ulan, sinuspinde na ng lokal na pamahalaan ng Subic at Olongapo City sa Zambales at buong lalawigan ng Bataan ang klase sa lahat ng antas ngayong araw ng Byernes.

Samantala, nasa ‘Yellow warning level’ naman ang mga lalawigan ng Cavite, Batangas at Pampanga.

Makakaranas naman ng light to moderate na pag-ulan ang Metro Manila, Bulacan, Tarlac, Rizal, Laguna at Quezon na posibleng tumagal ng 2 hanggang tatlong oras.

Kanselado na rin ang klase sa pre-school hanggang high school sa Quezon City ngayong araw dahil sa posiblidad ng pagbuhos ng malaks na ulan ngayong araw.

Read more...