Senior citizens commission pinagbibitíw ang sariling hepe

By Jan Escosio June 21, 2024 - 04:45 PM

PHOTO: Chairman Franklin M. Quijano ng National Commission of Senior Citizens. STORY: Senior citizens commission pinagbibitíw ang sariling hepe
Chairman Franklin M. Quijano ng National Commission of Senior Citizens. —Larawan mula sa Facebook page niyá

METRO MANILA, Philippines — Limá sa anim na komisyoner ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) ang nanawagan sa kaniláng chairman na si Franklin M. Quijano na magbitíw na sa puwesto.

Ang limá ay sina Mary Jean Loreche, Edwin Espejo, Reymar Mansilungan, Rainier Cruz, at Enriqueta Rodeles.

Ayon sa kanilá marami siláng mga seryosong alegasyón laban kay Quijano at ang mga itó ay naiparatíng na nilá sa Office of the President (OP) at Office of the Executive Secretary.

Bukód pa dito ay may mga kinahaharáp na mga reklamo si Quijano sa Office of the Ombudsman base sa nagíng pagdiníg ng House Special Committee on Senior Citizens.

BASAHIN: Commissioner ng NCSC sinuspindi ng Malakanyang dahil sa ibat-ibang reklamo

Kabilang sa mga alegasyón ay may kaugnayan sa paggamit ng pondo at sa paraán ng pamumunò.

Itinalagâ si Quijano sa puwesto nóong 2019 ni noón ay Pangulong Rodrio Duterte at iláng beses ng nasangkót sa mga kontrobersya.

 

 

TAGS: Franklin M. Quijano, National Commission of Senior Citizens, Franklin M. Quijano, National Commission of Senior Citizens

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.