9 Abu Sayyaf members patay sa bakbakan sa Sulu

By Den Macaranas July 07, 2016 - 08:35 PM

military-070815
Inquirer file photo

Patay ang siyam na miyembro ng bandidong Abu Sayyaf sa bakbakan na naganap sa Patikul Sulu kaninang hapon.

Sinabi ni Major Filemon Tan, spokesman ng Western Mindanao Command na labing-tatlong mga Abu Sayyaf rin ang sugatan sa naganap na enkwentro.

Isang miyembro naman ng military ang nalagas sa panig ng pamahalaan pero pansamantala muna nila itong hindi pinangalanan.

Anim din na mga sundalo ang sugatan sa bakbakan ayon sa ulat na kanilang ipinadala sa Camp Aguinaldo.

Sinabi ni Tan na kasalukuyang nagsasagawa ng pagpapatrolya sa Brgy. Kabuntakas sa Patikul Sulu ang mga tuhan ng AFP nang matiyempuhan nila ang halos ay 130 members ng Abu Sayyaf sa pangunguna ng kanilang lider na si Radulan Sahiron.

Kinukumpirma pa ng mga otoridad kung kasama si Sahiron sa mga nakatakas na sugatan sa naganap na barilan.

TAGS: Abu Sayyaf, AFP, Sulu, wesmincom, Abu Sayyaf, AFP, Sulu, wesmincom

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.