Lalaki sugatán sa pagsabog ng gasolinahan sa Lamitan City

By Jan Escosio June 19, 2024 - 12:14 PM

PHOTO: Map of Basilan STORY: Lalaki sugatán sa pagsabog ng gasolinahan sa Lamitan City
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Nasugatan ang isáng lalaki sa pagsabog sa isáng gasolinahan sa Lamitan City, Basilan, kagabíng Martés.

Isinabáy ang insidente sa pagdiriwang ng ika-17 anibersaryo ng pagiging lungsód ng Lamitan.

Ang nasugatan ay kinilalang Alwadun Asnain na napadaán lamang sa gasolinahan nang sumabog itó

BASAHIN: 2 patay, 2 sugatan sa pagsabog sa Zamboanga del Sur

Hinihinalang improvised explosive device (IED) ang ginamit dahil sa blasting cap at 9-volt battery na nasamsám sa lugár.

Ayon sa may-arì ng gasolinahan bago ang pangyayarí may mga sulat mulâ sa hindí kinilaláng grupo ang nanghihingî sa kanyá ng pera.

TAGS: Lamitan City explosion, Lamitan City explosion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.