Anim sa top 10 na sakít sa Pilipinas may kaugnayan sa TB

By Jan Escosio June 19, 2024 - 12:00 PM

PHOTO: DOH head office with DOH logo superimposed
—INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Sakít sa bagà ang nangungunang killer disease sa Pilipinas. Kabilang itó sa anim na top 10  na mga sakít na pawang may kaugnayan sa tuberculosis (TB).

Itó ang lumabás sa pag-aaral ng Statistica, isang global research company, sa kabilâ ng mga inilunsád na mga programa ng Department of Health (DOH) para maiwasan na ang pagkamatáy dahil sa TB.

Ayon sa World Health Organization (WHO,) noong 2021, mayroong 741,000 kaso ng TB ang naitalâ na sa bansâ at 61,000 sa mga tinamaan ng nasabing sakít sa bagà ang namatáy.

BASAHIN: Paigtingín ang paglilinis sa mga dengue high-risk areas – Go

BASAHIN: Vargas nais ng cancer control ordinance sa bawat lungsod, bayan

Napuná din na ang datos ng DOH ay kalahati lamang sa naitalâ ng WHO base na rin sa magkaibáng pamamaraán ng pagtatalâ.

Makalipas ang tatlóng taón, tinatayâ na humigít na sa isáng milyón ang tinamaan ng TB sa Pilipinas at hindí na itó naiulat dahil sa pagharáp ng gobyerno sa pandemiya dulot ng COVID-19.

Ayon sa mga health expert, lubós na mapapababà ang bilang kung kikilos ang gobyerno gaya nang ginawâ nitó sa COVID-19.

Base din sa mga pag-aaral, delikado sa TB ang mga taong naninigarilyo, diabetic, mahinà ang immune system, kulang sa nutrisyón, at ang sakit. Ang TB ay nakakaapekto hindí lamang sa baga kundi magíng sa utak, bató, gulugod, at sa balát.

Inirekomendá din na kapág nakakaranas na ng matagál na pag-ubó at lagnát ay kailangan nang magpasurì, gayundín ang bumabagsak ang timbáng na hindi alám ang dahilán.

Binanggít namán sa pag-aaral ang Tuberculosis Directly Observed Treatment, Short Course (TB-DOTS) na ipinaabót ng DOH hanggáng sa mga barangay.

Ayon sa DOH, hindí dapat magíng hadláng ang kahirapan sa sakít na tulad ng TB na maaari namáng gamutín.

TAGS: department of health, PH top diseases, tuberculosis, department of health, PH top diseases, tuberculosis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.