Rider patáy pagkasalpók sa van sa endurance challenge sa Quezon

PHOTO: Map of Quezon STORY: Rider patáy pagkasalpók sa van sa endurance challenge sa Quezon
INQUIRER.net stock image

METRO MANILA, Philippines — Nasawî ang isáng 27 anyos na motorcycle rider ng bumangâ siyá sa isáng passenger van sa Agdangan, Quezon nitóng Linggó ng umaga, ayon sa pulisya.

Ang biktimaa, na kinilala lang na Kim, ay residente ng Barangay Sinagawsawan sa bayan ng Del Gallego, Camarines Sur.

Nabatíd ng Radyo Inquirer na kabilang ang biktima sa mga sumali sa 1st Guinayangan Motorcycle Endurance Challenge at patungo siyá sa bayan ng Unisan nang maganáp ang aksidente.

BASAHIN: Apat patáy sa salpukan ng dalawáng sasakyán sa Cagayan

Base sa ulat ng pulisya, tinatahak ng biktima ang pakurbáng bahagì ng highway nang lumipat siyá sa kabiláng linya at sumalpók sa kasalubong na passanger van.

Isinugod sa Unisan Medicare Hospital ang biktima, kung saáb siyá idineklaráng dead on arrival.

Read more...