5 Chinese, 1 Filipino arestado sa pagbaríl ng 2 Chinese
METRO MANILA, Philippines — Sugatán ang dalawáng Chinese citizen, samantalang limá niláng kababayan at isáng Filipino ang arestado dahil sa pagmamaríl sa Parañaque City nitóng Linggó ng madalíng araw.
Kinilala ang dalawáng sugatán na siná alias Li at alias Lee. Silá ay dinalá sa Ospital ng Parañaque dahil sa mga tamà ng bala.
Ang mga arestadong suspek na Chinese namán ay kinalala lamang sa mga alias na Peng, Cheng, Deng, Tu, at Lin.. At ang kanilang arestado ring Filipino driver/bodyguard ay kinilalang alias Ken.
Pinaghahanáp namán ang iba pang mga suspek na sina alias Yu at alias Bo, kapwa Chinese, at siná alias Marlon at alias Tony, kapwa Filipino.
Naganáp ang insidente sa isang residential building sa Barangay Tambo ng 12:45 a.m.
Nakumpiská sa mga arestadong suspek ang .22 Magnum revolver at dalawang 9-mm pistol.
Itinuturong utak sa pamamaril si alias Bo, na nadiskubréng naaresto na ng Criminal Investigation and Detection Group ng Philippine National Police noong Disyembre 2022 dahil sa ibat-ibáng mga krimén.
Hindí nabanggít sa ulat ang ugát ng pamamaríl.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.