Bigtime fuel price hike ikakasá bukas, ika-18 ng Hunyo
METRO MANILA, Philippines — Inanunsyo na ang iláng kompanya ng langís ng taas-presyo ng kaniláng mga produktong-petrolyo bukas, ika-18 ng Hunyo.
Sa magkakahiwaláy na anunisyo, 85 na sentimo ang madadagdág sa presyo ng kada litro ng gasolina, P1.75 sa krudo, at P1.90 sa gaás.
Ang pangunahing dahilán ng pagtaás ng presyo ay ang inaasahang pagsipà ng pangangailangan sa langís sa pandaigdigang merkado.
BASAHIN: Mas mura ang kuryente mula sa nuclear energy – JV Ejercito
Ang isá pang idinadahilán ay ang pagbawas ng ipinagbíbiling langís ng Saudi Arabia sa China, magíng ang paghinà ng halagá ng piso kontra sa dolyár ng Amerika.
Noóng nakaraáng linggó, bumabâ ng 60 sentimo ang kada litro ng gasolina, P1.20 sa krudo, at P1.30 naman sa gaás.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.