Vargas nais ng cancer control ordinance sa bawat lungsod, bayan

PHOTO: Alfred Vargas STORY: Vargas nais ng cancer control ordinance sa bawat lungsod, bayan
Quezon City Councilor Alfredo Varagas —File photo mulâ sa Facebook page niyá

METRO MANILA, Philippines — Naniniwalà si Quezon City Councilor Alfred Vargas na napapanahón na upang magpasá ng cancer control ordinance ang bawal lokal na pamahalaan sa buóng bansâ.

“Pangalawá ang kanser sa sanhî ng kamatayan sa mga Filipino at aasahan natíng patuloy pang lalalâ ang sitwasyóng itó kung hindí natin aagapan sa lokál na lebél. Susì ang LGUs sa paglutás sa napakalakíng problemang itó,” aniya sa kanyáng sa National Integrated Cancer Control Act (NICCA) Localization Summit ng Cancer Coalition na ginanáp sa Baguio City nitóng Linggó.

Iniakdâ at isinulong ni Vargas ang NICCA noóng 2019 nang siyá ay kinatawan pa sa Kamara ng 5th District ng Quezon City.

BASAHIN: Tulong ni Romualdez sa cancer patients kinilala ni Vargas

BASAHIN: Bagong cancer hospital, binuksan ni Pangulong Marcos

Pinaalala niyá na, sa pamamagitan ng NICCA, ang lahát ng mga may sakít na kanser, magíng ang kaniláng pamilya, ay may Hospital Access Sites para sa kinakailangang tulong sa kaniláng pagpapagamót sa pamamagitan ng mga lokál na pamahalaán.

Inamín ni Vargas na hindí lubós na napapakinabangan ang NICCA dahil kapós sa impormasyón ang pasyente, partikulár sa Cancer Assistance Fund, Cancer Support Care, at Palliative Medicines Access Program.

“Sa pagpasa ng isang integrated cancer control ordinance, natutugunán natin ang cancer sa isáng whole-of-government at whole-of-society approach. Isinasama natin mga kakayahán at resources ng ibat-ibáng partners at sectors para matulungan ang cancer patients at cancer survivors,” sabi pa niyá.

Ibinahagì rin niyá na ang Quezon City ang kauna-unahang lungsod sa bansâ na may Integrated Cancer Control Ordinance na sumasakláw sa health promotion, diagnosis at screening, treatment, rehabilitation, palliative at hospice care, at cancer survivorship.

Read more...