Eid’I Adha message ni Marcos : Magíng mabuti sa kapwà
METRO MANILA, Philippines — Ngayóng Lunes na ginugunitâ ang Eid’l Adha — o ang Feast of Sacrifice ng Muslim — hinimok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang mga Filipino na magíng mabuti sa kapwà.
Sa kanyáng mensahe, sinabi ni Marcos na makakabuting pag-aralan ang nagíng buhay ni Propetang Ibrahim, na ang matibay na pananampalatayaâ at wagás na pagmamahál kay Allah ang nagíng pundasyón ng mga turò at paniniwalà sa Islam.
Ginugunitâ tuwíng Eid’l Adha ang kahandaán ni Ibrahim na isakripisyo ang kanyáng anák na lalaki bilang pagsunód sa nais ng Diyós.
BASAHIN: Marcos: Bigyang halaga ang sakripisyo sa Eid’l Adha
BASAHIN: Pangulong Marcos, umaasa ng pagkakaisa sa paggunita ng Eid’l Adha
Ngayóng araw, dagdág pa ni Marcos, dapat ay pag-aralan ng bawat Filipino kung paano mapapagtibay ang relasyón sa Diyós at sa kapwà, gayundín kung paano mapapagtibay ang kinabukasan sa pamamagitan ng mga aral ng nakaraán.
Umaasa siyá na magpapakatatág ang lahát ng Filipino sa pagharáp sa bawat hamon para sa kapayapaan at seguridád ng Bagong Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.