Drug killings iimbestigahan na ng Senado

Leila de lima
Inquirer file photo

Magpapatawag ng isang congressional inquiry si Sen. Leila De Lima para imbestigahan ang dumaraming kaso ng pagpatay sa mga suspected drug personalities sa bansa.

Sa panayam sa Senado, sinabi ni De Lima na dati ring pinuno ng Commission on Human Rights na nakababahala na ang mahabang listahan ng mga biktima ng summary executions na inuugnay sa droga.

Sinabi pa ni De Lima na gusto niyang alamin kung ano ba ng operational procedure ng Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Druge Enforcement Agency (PDEA) sa kanilang anti-illegal drugs campaign.

Ipinaliwanag pa ng dating Justice secretary na kahit ang mga kriminal ay may karapatan sa ilalim ng mga umiiral na batas sa bansa.

Dati nang inimbestigahan ni De Lima si Pangulong Rodrigo Duterte noong siya’y Mayor pa ng Davao City dahil sa umano’y mga kaso ng summary execution sa lungsod.

Natigil ang nasabing imbestigasyon ng umalis sa Witness Protection Program ng DOJ ang sinasabing triggerman ng Davao Death Squad na dati nang iniuugnay kay Duterte.

Read more...