LTO: Scam ang text message ukol sa traffic violation

By Jan Escosio June 14, 2024 - 04:56 PM

PHOTO: Land Transportation Office facade with LTO logo superimposed STORY: LTO: Scam ang text message ukol sa traffic violation
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Pinayuhan ng Land Transportation Office (LTO) ang mga motorista na huwag pansinín ang natatanggap ng mga text message ng diumano’y kaniláng paglabág sa batás-trapiko.

Sinabi ni LTO chief Vigor Mendoza II na ang text message na hinihingi ang plate number ng sasakyán ay isáng scam, na ang layunin ay makuha ang mga personál na detalye ng nakatanggáp nitó.

Aniya binabahâ na ang ahensya ng mga ulat ukol sa naturang modus kayát patuloy siláng nagpapaalala sa mga motorista na huwág na lamang pansinín ang mga text message na pinagmumukháng mulâ sa LTO.

Idiniin ni Mendoza na hindí nagpapadalá ng text message ang ahensya para ipaalám ang mga traffic violation ng motorista.

Nasa text message ang isáng link na kapág pinindót ay lalabás ang pekeng LTO website kung saan hihingiín na ang mga personál na detalye, kasama na ang e-wallet at bank accounts.

Dagdág pa ni Mendoza, nakikipag-ugnayan na ang opisina niyá sa mga kinauukulang ahensiya para matukoy at maaresto ang mga nasa likód ng naturang scam.

TAGS: LTO scam text message, traffic violations, Vigor Mendoza II, LTO scam text message, traffic violations, Vigor Mendoza II

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.