Pulitika di kasama sa kampanya kontra droga ayon sa PNP Chief

By Ruel Perez July 07, 2016 - 04:36 PM

Dela rosa drugs
Inquirer file photo

Ipinagtanggol ni PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga alegasyon na pulitika ang nagtulak sa pangulo na pangalanan ang mga heneral ng PNP na nasa likod umano ng mga sindikato ng illegal drugs sa bansa.

Ito ay matapos na bansagan ang limang tinukoy na Roxas Generals o malapit kay dating DILG Sec Mar Roxas.

Ani dela Rosa, walang dahilan para mamulitika pa si Pangulong Duterte dahil bukod sa wala naman reeleksyon ay ihinalal siya ng mahigit 16 na milyong mga botante sa nakalipas na halalan.

Samantala, mas lalong hindi din umano matatawag na personal vendetta ni Duterte sa kanyang mga nakalaban sa nakalipas na eleksyon ang naging hakbang na ito ng pangulo dahil sa simula pa lamang naman ay ayaw na talaga ni Duterte na kumandidato.

Giit ni dela Rosa, sadyang matindi lamang umano ang pagnanais ni Pangulong Duterte na tapusin na ang problema ng Ilegal na droga sa bansa.

Bukod sa mga pulis, asahan na rin daw ang dagdag pang mga pangalan ng ilang mga personalidad na sabit sa illegal drugs.

TAGS: dela rosa, duterte, Illegal Drugs, PNP, dela rosa, duterte, Illegal Drugs, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.