Negros Island, Siquijor pinag-isá mulî bilang rehiyón
METRO MANILA, Philippines — Mulíng nabuô ang Negros Occidental, Negros Oriental, at Siquijor bilang Negros Island Region.
Kasunód itó nang pagpirmá ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitóng Huwebes ng Republic Act No. 12000 — o ang Negros Island Region Act.
Sa kanyáng talumpatì, sinabi ni Marcos na matagál na dapat napag-isá ang tatlong lalawigan at itó dahil itó ay praktikál lamang na gawín.
BASAHIN: NGCP pinuri ni Pangulong Marcos Jr., sa Cebu-Negros-Panay project
BASAHIN: NEPC nangako ng maayos na serbisyo ng kuryente sa Negros
Pinuná niyá na ang Negros Occidental at Negros Oriental ay nasa iisáng islá ngunit hiwaláy siláng nasa ilalim ng pangangasiwa ng kanya-kanyang rehiyón.
Bago nitó, ang Negros Occidental ay bahagì ng Region 6 – o Western Visayas — samantalang ang Negros Oriental at Siquijor naman ay kabilang sa Region 7 — o Eastern Visayas.
Tiniyák ni Marcos na ngayón ay mababawasan na ang gastos at ginugugol na panahón ng mga Negrenses na nangangailangan ng mga serbisyo ng ibat-ibáng mga ahensya ng gobyerno.
Samantala, pinurì ni Sen. Juan Miguel “Migz” Zubiri ang pagkakabuô sa Negros Island Region, na kabilang sa mga prayoridád ng administrasyon.
Kumpyansa ang senadór na mas magiging maunlád ang tatlong lalawigan.
“Matagal ko nang pinapangarap at ng mga kapwa ko Negrense na mapag-isá ang dalawang lalawigan,” ani Zubiri, na ang angkán ng amá ay mulâ sa Kabankalan, Negros Occidental.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.