Drug lord sa Tagbilaran City patay sa riding-in-tandem

crime-scene-620x413Dead-on-the-spot ang isang kilalang drug lord sa lalawigan ng Bohol makaraan siyang tambangan ng riding-in-tandem sa Tagbilaran City.

Kinilala ni Tagbilaran City Police Chief Supt. George Vale ang biktima na si Sherwin Bautista 43-anyos at residente sa nasabing lungsod.

Pasado alas-siyete ng umaga kanina makaraan niyang ihatid sa Tiptip Elementary School ang kanyang misis at anak ng makakuha ng tiyempo ang mga suspek.

Pagkababa ng kanyang misis at anak sa motorsiklo ay kaagad umanong nilapitan ng mga suspek si Bautista pero nagawa pa rin niyang makalayo ng ilang metro.

Nang siya’y sumemplang sa kalsada ay kaagad siyang tumakbo pero patuloy siyang hinabol ng mga suspek habang nagpapaputok ng baril.

Tinamaan ng mga bala si Bautista sa kanyang dibdib at ulo na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Sinabi ni Vale na si Bautista ay kilala bilang drug supplier sa mga bayan ng Inabanga, Buenavista, Clarin, Loon, Tubigon, Calape, Maribojoc, Panglao, Guindulman, Jagna at Tagbilaran City.

Ang nasabing drug personality ay nahuli na rin at nakulong noong 2011 at 2014 pero nakalabas siya ng kulungan makaraang maibasura ang mga kaso dahil sa teknikalidad.

Read more...