PNP officials na sangkot sa droga sumalang na sa imbestigasyon ng Napolcom

By Ruel Perez July 07, 2016 - 03:12 PM

bato Drugs2
PNP photo

Humarap sa National Police Commission (Napolcom) ang talong police officials na pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na umanoy sangkot sa illegal drugs

Mahigit sa isang oras din na nakipagpulong sina dating NCRPO Chief Police Director Joel Pagdilao, dating Quezon City Police Director CSupt. Edgardo Tinio at dating Western Visayas Regional Director C/Supt. Bernardo Diaz kay DILG Sec. Mike Sueño na sya ring Chairman ng Napolcom kasama ang binuong investigating team.

Hindi naman nagpaunlak ng panayam o pahayag ang tatlong PNP Generals at kaagad na umalis matapos ang pakikipag-usap.

Nauna ng sinabi ni PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa na ipinasa na nila ang bola ng imbestigasyn sa NAPOLCOM laban sa tatlong opisyal.

Kahapon ay sinabi ng Napolcom na kaya nilang tapusin sa loob ng isang buwan ang imbestigasyon at ang magiging rekomendasyon sa nasabing kontrobersiya na kinakaharap ng ilang PNP officials.

TAGS: diaz, Napolcom, Pagdilao, PNP, tinio, diaz, Napolcom, Pagdilao, PNP, tinio

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.