METRO MANILA, Philippines — Nanawagan si Pope Francis ng agarang tulong para sa mga Palestino sa Gaza, ayon sa ulat ng Associated Press nitóng Lunes.
Kasabay nitó, hinikayat niyá ang Israel at Hamas na tanggapín na ang mga panukalà para sa tigil-putukan at pagpapalayà sa lahat ng mga hostage.
Sa kanyáng pagbibigáy ng basbás sa Vatican City, umapilá ang Santo Papa sa mga ibat-ibang gobyerno na magpadala ng tulong sa Gaza.
BASAHIN: Pinoy kabilang sa 21 namatay sa Gaza grenade attack
BASAHIN: Karagdagang 56 na Filipino nakalabas na sa Gaza
Dapat aniya na huwág nang harangin pa ang mga ipinapadaláng tulong ng ibat-ibáng bansâ at organisasyón.
Ipinaalala pa niyá na noóng nakaraáng Sabado ang ika-10 anibersaryo ng Peace Prayer na ginawâ sa Vatican City at kung kailán nasaksihán ng buóng mundó ang pagkamáy nina dating Israeli President Shimon Peres at Palestinian leader Mahmoud Abbas.