Pope Francis umapilá ng tulong, tigil-putukan para sa Gaza

By Jan Escosio June 10, 2024 - 06:43 PM

PHOTO: Pope Francis STORY: Pope Francis umapilá ng tulong, tigil-putukan para sa Gaza
Pope Francis —File photo from Agence France-Presse

METRO MANILA, Philippines — Nanawagan si Pope Francis ng agarang tulong para sa mga Palestino sa Gaza, ayon sa ulat ng Associated Press nitóng Lunes.

Kasabay nitó, hinikayat niyá ang Israel at Hamas na tanggapín na ang mga panukalà para sa tigil-putukan at pagpapalayà sa lahat ng mga hostage.

Sa kanyáng pagbibigáy ng basbás sa Vatican City, umapilá ang Santo Papa sa mga ibat-ibang gobyerno na magpadala ng tulong sa Gaza.

BASAHIN: Pinoy kabilang sa 21 namatay sa Gaza grenade attack

BASAHIN: Karagdagang 56 na Filipino nakalabas na sa Gaza

Dapat aniya na huwág nang harangin pa ang mga ipinapadaláng tulong ng ibat-ibáng bansâ at organisasyón.

Ipinaalala pa niyá na noóng nakaraáng Sabado ang ika-10 anibersaryo ng Peace Prayer na ginawâ sa Vatican City at kung kailán nasaksihán ng buóng mundó ang pagkamáy nina dating Israeli President Shimon Peres at Palestinian leader Mahmoud Abbas.

TAGS: Israel-Hamas war, pope francis, Israel-Hamas war, pope francis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.