Pagkantá ng ‘Bagong Pilipinas’ hymn dapat isabatás – Pimentel

 

PHOTO: Mga tropa ng Philippine Navy itinataás ang watawat para sa National Flag Day noóng 2019. —File photo kuha ni Marianne Bermudez, Philippine Daily Inquirer STORY: Pagkantá ng ‘Bagong Pilipinas’ hymn dapat isabatás – Pimentel
Mga tropa ng Philippine Navy itinataás ang watawat para sa National Flag Day noóng 2019. —File photo kuha ni Marianne Bermudez, Philippine Daily Inquirer

METRO MANILA, Philippines — Hindi sapát ang executive order para gawing obligado ang pag-awit ng “Bagong Pilipinas” hymn sa flag-raising ceremony ng mga ahensiya ng gobyerno.

Ito ang sinabi ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III kaugnay sa utos ni Pangulong Marcos Jr., na awitin sa flag-raising ceremony sa mga ahensya ng gobyerno at mga pampúblikong paaralán.

Layunín nito na maitaták sa isip ng mga kawaní at mag-aaral ang mga prinsipyo ng bagong pamamahalâ at pamumunô ng administrasyon.

BASAHIN: Pakiramdam ni Pangulong Marcos sa unang flag raising ceremony sa Palasyo, nasa “friendly territory”

BASAHIN: Pagkukulay ng pulitika sa “Bagong Pilipinas” itinanggi ni Pangulong Marcos Jr.

Ngunit ayon kay Pimentel, kailangan ng batás upang maipatupád ang utos ng Malacañang.

Ang suhestiyón ng senadór, magsumité ang Malacañang ng panukala sa Kongreso para maamyendahán ang mga batás ukol sa pag-awit sa “Lupang Hinirang” at pagbigkás ng “Panatang Makabayan” sa mga flag-raising ceremony.

Ipinaliwanag niyá na, sa kaso ng mga mag-aarál sa public schools at state universities at colleges, hindî kawaní ng gobyerno ang mga ito at ang kaniláng sinusunód ay ang mga batás kaugnáy ng flag ceremony.

Read more...