P13.5-M na halagá ng Ecstasy, ketamine nasabát ng BOC sa NAIA
METRO MANILA, Philippines — Kinumpiská ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport ang may P13.54 na milyong halagá ng ng mga droga sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City noóng Biyernes, ika-7 ng Hunyo.
Idineklaráng naglalamán ng mga delata at prutas ang parcel na nagmulâ sa Denmark, ayon sa pahayág ng BOC nitóng Sabado, ika-8 ng Hunyo.
Ang parcel ay naka-pangalan sa isang residente ng Taguig City.
BASAHIN: Barangay kagawad, 3 pa timbog sa P68.3-M halaga na Ecstasy
Isinailalim sa field testing ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang parcel at nadiskubré na naglalamán ito ng 5,033 na piraso ng Ecstasy tablets at 998 gramo ng ketamine.
Mahaharáp ang consignee sa mga kasong paglabág sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Customs Modernization at sa Tariff Act.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.