Magmumultá data collecting companies na hindí rehistrado – NPC

PHOTO: National Privacy Commission logo superimposed over closeup of hand typing on laptop keyboard
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Pagmumultahín ng National Privacy Commission (NPC) ang mga data collecting companies na hindi rehistrado.

Sa inilabás na pahayág ng NPC, base sa kanilang Circular No. 2022-04, ang mga kailangan na magparehistro opisina nitó ay ang mga kumpanyá na may 250 o higít pang empleado, may 1,000 o higít pang kliyente, at itó’y nagpo-proseso ng mga datos na maaaring mailagáy sa alanganin ang karapatán at kalayaan ng mga kustomer nitó.

Pinaalahanan din ng ahensya ang mga personal information controllers (PICs) at personal information processors (PIPs) sa kaniláng mga obligasyón sa ilalim ng Data Privacy Act (DPA)

BASAHIN: Huling linggo ng Mayo, idineklarang ‘National Data Privacy Awareness Week’

BASAHIN: Data leak sa National ID system pinabulaanan ng PSA

Nagbabalâ din ng NPC na iisyuhán ng show-cause order ang mga PICs at PIPs na hindí susunod sa DPA at kautusán ng NPC.

Ang Data Security Compliance Office ng NPC ang susurì sa mga negosyong may kinalaman sa data sa buóng bansa.

Read more...