WATCH: Mga lansangan sa palibot ng Divisoria, nadaraanan na muli ng mga motorista

By Erwin Aguilon July 07, 2016 - 08:47 AM

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Maaga muling nilinis ang mga lansangan sa palibot ng Divisoria sa Maynila ngayong araw ng Huwebes.

Ilang magkakasunod na araw nang nililinis ang mga kalsada sa Divisoria at naghigpit din sa mga nagtitinda upang hindi sila makaabala.

Kung dati rati ay hanggang sa bahagi lamang ng Recto-Abad Santos nakakarating ang mga jeep dahil sinasakop ng mga tindero at tindera ang mga kalsada, ngayon ay nakakadiretso na muli ang mga sasakyan hanggang sa Divisoria area.

Nilagyan kasi ng hangganan ang mga tindahan at kapag lumagpas ang paninda sa guhit ay kukumpiskahin ang mga ito.

Pawang mga tauhan ng Manila Police District ang nagbabantay sa mga lumalabag na manininda.

Habang pinapangunahan naman ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection at Department of Public Safety ng Manila City Hall ang paglilinis sa mga kalat at sa mga putik sa kalsada.

 

TAGS: clearing operations in Divisoria Manila, clearing operations in Divisoria Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.