METRO MANILA, Philippines — Pinaninindigan ni Transportation Secretary Jaime Bautista nitóng Lunes na, matapos ang isáng buwán sa pagpapatupád ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP), hindí na nakaranas ng krisis sa pampublikong transportasyón ang Metro Manila.
Aniya nang matapos ang route consolidation deadline noong ika-30 ng Abril 30, 80% ng mga operators at drivers ang nakapagparehistro.
Tiniyák din ni Bautista na sapát ang bilang ng mga pampublikong-sasakyan sa Metro Manila.
Sa katunayan, dagdág ng kalihim, may mga ruta na sobra pa ang bilang ng mga bumibiyahe dahil na rin sa Local Public Transport Route Plan (LPTRP).
Tiwalà si Bautista na sa pagtagal-tagál pa ng pagkasá ng PUVMP mas magiging ayos ang sistema ng pampublikong transportasyón at lalaki ang kita ng mga nabubuhay sa naturang sektór.