Waláng Pinóy na nasaktán sa Jeddah building collapse – DMW
METRO MANILA, Philippines — Waláng Filipino na kabilang sa mga nasaktán sa pagguhò ng isáng gusalì sa Jeddah, Saudi Arabia noong nakaraang Biyernes, ayon sa pahayág ng Department of Migrant Workers (DMW) nitóng Lunes.
Itó ay base sa ulat mula sa mga opisyal ng Migrant Workers Office sa Jeddah na bumisita sa lugár ng insidente sa Al-Faisaliah District.
Sa inilabás na pahayág ng DMW, sinuyod din ng mga opisyál nitó ang mga kalapít na ospitál upang alamín kung may napabilang na Filipino sa mga naisugod.
BASAHIN: Missile attack sa barkó sa Yemen: 13 Pinoy seafarers ligtás
BASAHIN: Walang nasaktang Pinoy sa Mt. Ibu eruption sa Indonesia – DMW
Ayon sa mga naglabasang ulat, waló ang nailigtás mulâ sa napinsalang 13 na apartment sa limáng palapág na gusalì.
Pinaniniwalaan na ang konstruksyón sa basement ng gusalì ang maaaring dahilán ng pagguhò.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.