Lapid nais payagang kumuha ng PRC exams ang mga banyagà
METRO MANILA, Philippines — Naghain ng panukalang batás si Sen. Lito Lapid na layuníng payagan ang mga banyagà na kumuha ng examinations ng Professional Regulatory Commission sa bansâ.
Ngunit nilinaw ni Lapid na sa kanyang Senate Bill No. 2678 ang pagkuha ng eksaminasyón ay limitado lamang sa pagbibigáy ng sertipikasyón.
Aniya sa kanyang panukalang pag-amyenda sa Professional Regulation Commission Modernization Act hindí kasama ang pagsasanay ng mga banyagà dahil may ibáng mga batás na nakakasakop nitó.
Paliwanag pa niya, nararapat lamang na ipagmalakí sa buong mundó ang mataás na kalidád at kahusayan ng mga Filipino sa wikang Ingles sa pamamagitan ng pagtuturò gamit itó sa mga kolehiyo at unibersidád.
Dagdág pa ni Lapid, magsisilbing daán ang kanyáng panukala na makaakit ng mga dayuhang estudyante at kilalanin sa buóng mundó ang kalidád ng edukasyon sa Pilipinas.
Binanggít niyá ang pag-aaral ng medisina sa Pilipinas ng maraming dayuhan ay pinapakinabangan na sa kani-kaniláng bansâ.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.