Dentista sa Makati ninakawan na, pinatay pa

 

Ninakawan at pinatay ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek ang isang dentista sa kaniyang clinic sa Makati.

Kinilala ni SPO2 Rico Caramat ng Makati police ang biktima na si Raquel Magsalin na taga-Taguig City.

Pinasok ng dalawang suspek ang dental clinic ni Magsalin na nasa Kalayaan Avenue, Brgy. Guadalupe Nuevo dakong alas-2:00 ng hapon ng Miyerkules.

Itinali muna ng mga magnanakaw ang kasama ni Magsalin sa clinic bago nila agawin ang bag ng dentista.

Binaril umano ng isa sa mga suspek si Magsalin sa ulo matapos nitong pumalag, at saka tumakas papuntang C5 Road patungong Taguig City.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga pulis para matukoy ang mga suspek.

Read more...