Dentista sa Makati ninakawan na, pinatay pa

By Kabie Aenlle July 07, 2016 - 04:30 AM

 

crime-scene-e1400865926320Ninakawan at pinatay ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek ang isang dentista sa kaniyang clinic sa Makati.

Kinilala ni SPO2 Rico Caramat ng Makati police ang biktima na si Raquel Magsalin na taga-Taguig City.

Pinasok ng dalawang suspek ang dental clinic ni Magsalin na nasa Kalayaan Avenue, Brgy. Guadalupe Nuevo dakong alas-2:00 ng hapon ng Miyerkules.

Itinali muna ng mga magnanakaw ang kasama ni Magsalin sa clinic bago nila agawin ang bag ng dentista.

Binaril umano ng isa sa mga suspek si Magsalin sa ulo matapos nitong pumalag, at saka tumakas papuntang C5 Road patungong Taguig City.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga pulis para matukoy ang mga suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.