Pinaniniwalaang tunay na iná ni Mayor Alice Guo nakilala na raw

By Jan Escosio May 29, 2024 - 04:58 PM

PHOTO: Alice Guo STORY: Pinaniniwalaang tunay na iná ni Mayor Alice Guo nakilala na raw
Bamban Mayor Alice Guo (Larawan mula sa Facebook page ni Sen. Risa Hontiveros)

METRO MANILA, Philippines — Naniniwalà si Sen. Sherwin Gatchalian na maaaring nakilala na ang tunay na iná ni Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac.

Ibinahagì ni Gatchalian na may mga nahalungkát na dokumento sa Valenzuela City Hall ukol sa mga negosyo ng pamilya Guo sa lungsod, gayundín sa Bureau of Immigration (BI).

Isang Lin Wenyi ang maaaring tunay na iná ng alkalde, ayon kay Gatchalian.

BASAHIN: Hindí kontra-Chinóy ang pagsusurì kay Alice Guo – Hontiveros

BASAHIN: Waláng lusót ang Bamban mayor sa isyu ng POGO – Gatchalian

Laging kasama sa mga biyahe sa labás ng Pilipinas si Lin at ipinakikilala ito mismo ni Guo sa mga kasamahán sa Valenzuela City na kanyáng nanay.

Dagdág pa niyá, sa nakalipas na anim na taon, 170 ulit na lumabás ng bansâ si Lin kasama ang isang Jian Zhong Guo, ang amaá naman ni Guo.

Sa mga pagdiníg sa Senado, tinukoy ni Guo ang kanyáng amá bilang Angelito Guo.

Sa pagdiníg, sinabi ni Gatchalian, na kung kapwà Chinese ang mga magulang ng alkalde, makakaapekto ito sa lokál na posisyon ni Guo bilang alkalde.

TAGS: Alice Guo, Sherwin Gatchalian, Alice Guo, Sherwin Gatchalian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.