METRO MANILA, Philippines — Naibalík na ang kuryente sa mga lugár na naapektuhan ng hustó noóng tumamà ang Typhoon Aghon, ayon sa pahayág nitóng Miyerkulés ni Joe Zaldarriaga, tagapagsalitâ ng Manila Electric Co. (Meralco).
Ayon kay Zaldarriaga, ang kinukumpuní na lamang ng mga Meralco ay ang mga bumagsák na linya sa mga liblíb na lugár.
Aniya ang mga lubháng naapektuhán ay ang Quezon at Laguna at may ilang lugár din sa Metro Manila, Batangas, Cavite, Rizal, at Bulacan.
Tinatayáng nasa 1.7 na milyón sa mga kustomer ng Meralco ang nawalan ng kuryente dahil sa bagyó.
Hinihikayat naman niyá ang mga kustomer na walá pang kuryente na makipag-ugnayan sa kumpanyá sa pamamagitan ng hotlines nitó.
MOST READ
LATEST STORIES