METRO MANILA, Philppines — Nasa ligtás na kalagayan ang 13 Filipino seafarers na sakay ng bulk carrier na inasinta ng missiles ng Houthi rebels habang naglalayág sa dagat na sakop ng Hodeidah, Yemen, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).
Apat na mga missile ang tumamà at nagdulot ng pinsala sa barkó.
Bukód sa mga Filipino, ang mga tripulanteng Ukranian ay hindí rin nasaktán.
BASAHIN: 2 Pinoy seamen patay, 3 sugatan sa pag-atake ng Houthi rebels sa Yemen
BASAHIN: 17 Filipino bihag ng Houthi armed group
Nagpatuloy na lamang din ang paglalayág ng bulk carrier, at sabi pa ng DMW na nakikipag-ugnayan na itó sa mga shipping at manning agencies para matiyák na maayos ang kalagayan ng mga tripulanteng Filipino.
Bukod dito, nakikipag-ugnayan na rin ang DMW sa pamilya ng mga Filipino seafarers.
Naglabás na ng babala ang DMW ukol sa mga pag-atake ng Houthi rebels matapos masawî sa isáng pag-atake ang dalawaáng marinong Filiipino sa Gulf of Aden.