Kasunduang Pillipinas at Brunei: Mapayapang Indo-Pacific Region

By Jan Escosio May 30, 2024 - 12:04 AM

PHOTO: Hassanal Bolkiah and Ferdinand Marcos Jr. in Brunei STORY: Kasunduang Pillipinas at Brunei: Mapayapang Indo-Pacific Region
Ito ay isáng kuha niná Sultan Hassanal Bolkiah ng Brunei (kaliwa) at si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Pilipinas bago ng kaniláng pulong sa Istana Nurul Iman sa Bandar Seri Begawan nitóng ikaw-28 ng Mayo 2024. —Larawan mula sa Agence France-Presse

METRO MANILA, Philippines — Napagkasunduán ng Pilipinas at Brunei na anumáng alitan sa pagitan nila at iba pang mga bansâ sa Indo-Pacific Region ay dapat niláng sikaping maayos sa mapayapang paraán.

Ito ang pahayág ng Presidential Communcations Office (PCO) sa kanyáng website nitóng Miyerkulés.

Isá lang itó sa mga isyung tinalakay niná Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at  Sultán Hassanal Bolkiah sa unang state visit ng pinunò ng Pilipinas sa Brunei nitóng ika-28 at 29 ng Mayo, ayon sa PCO.

Ayon pa sa PCO, sinabi ni Marcos sa harap ng royal family ng Brunei na napakahalagá ang pagtutulungan ng mga bansâ para mapanatili ang kapayapaan at kaayusán sa Indo-Pacific Region.

Aniya mahalagáng nagtutulungan ang mga bansáng kasapì ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa mga pamamaraan para mapa-iral ang kapayapaan sa rehiyón.

Dagdag pa ng pahayág ng PCO, itó raw ay sinabi ni Marcos sa isang panayám sa mga miyembro ng Filpino media delegation sa Brunei:

“Nag-usap kami tungkól sa maritime cooperation. Nag-usap kami tungkol sa pagpapatibay ng mga samahán ng BIMP-EAGA at pagpapadalî ng mga prosseso nitó. Pero mas tungkol sa kalakalán [ang pinag-usapan],” sabi raw ni Marcos sa Inglés sa isang talumpati niya sa Brunei.

Ang BIMP-EAGA ay ang Brunei Darussalam–Indonesia–Malaysia–Philippines East ASEAN Growth Area.

Ayon sa pangulo, nakabuó rin ang Pilipinas at Brunei ng isang “diplomatic document” na nagsasaqe ng kaniláng kasunduan na katigan ang “peaceful resolution” sa anumáng alitan sa pagitan ng mga bansâ sa kanilang rehiyón.

Sa kanyang talumpati pa rin, nabanggit ni Marcos na napakahalagá ang kanyang pagbisita dahil, tulad ng Pilipinas, ang Brunei ay nakaharáp sa napakaraming mga hamon kung saan magkatulad ang kaniláng mga interes.

Nabanggit din niyá nayáng  ang huling bisita niya sa Brunei ay noóng 1984 ka at kasam pa niyá noón ang kanyáng amá, ang  yumaong Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Dagdag pa niya, ang pinirmahang memoranda of understanding sa pagitan ng Pilipnas at Brueni ay patunay na nagpapatuloy ang paghahanáp nilá ng mga paraán para pagtibayin pa ang kaniláng ang kooperasyón sa ibat-ibang larangan.

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., Hassanal Bolkiah, PH-Brunei relations, Ferdinand Marcos Jr., Hassanal Bolkiah, PH-Brunei relations

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.